Take a look at these amazing photographs š
Just look at the sky and be reminded how beautiful our God’s creation is. Napaka payapa ng langit hindi ba? Nakakatanggal ng pagod ang titigan at pagmasdan ang mga bagay na nilikha ng Diyos. Kung tutuusin, napakagulo at nakakairita ang mundong ginagalawan natin. Away doon, away dito, saksakan doon, sapakan diyan, tambak ang gawain sa lamesa at ang daming hugasin at labahin. Wala ng magandang bagay na makikita kung yuyuko tayo o titingin sa paligid. Why not try to lift your head up?, your perspective as a person depends on how you look at things. Kung titingnan mo ang mundo na magulo, mauumay ka talaga dahil sa kawalan ng kapayapaan. Kapag tiningnan mo ang mga trabaho mo na nakatambak, maiistress ka lang. Mag iimagine ka pa lang na tatapusin mo ang mga gawain na yun ay nakakapagod na!
Pero kung titingala ka at iaappreciate ang mga magagandang bagay, napakalaki ng posibilidad na maging masaya ka kahit puno ka na ng problema. Gusto mo ng mapayapang paligid? Simulan mo sa sarili mo, wag nating tingnan kung anong kayang ibigay satin ng mundo o ng mga tao sa paligid natin, lagi lang nting iisipin kung ano ang kaya nating ibigay sa ating kapwa. Kasi sabi nga sa kanta ni Michael Jackson “If you wanna make the world a better place, take a look at yourself and then make a change”. Gayundin naman, wag nating tingnan ang mundo na para bang wala na tayong pag asa na mag iimprove pa ito. It is not “to see is to believe”,it is “believe so you will see”.
Nakakamangha ang kagandahan ng langit, ng ulap, ng araw, ng palayan at ng mga puno. Walang tamang salita ang babagay sa kagandahan ng nilikha. Ngunit naniniwala ka ba na may mas kahanga hanga pa kaysa sa mga bagay na yan?
Ito ay ang tao. Sapagkat sinabi sa bibliya na ang tao ang pinaka masterpiece ni God. He created the world in five days and after He looked at it, He said that it was good. And on the sixth day, He created the Adam and Eve, and said that it was very good.
Anyway, the main point of this is, no matter how dark the sky, still you can see light by the stars embedded into it, you just have to magnify the light and not the darkness of the sky. It is not about the things that surrounds you, it is about how you look at them. š
