Let us talk about Salvation. First, what is the reason why God has to create human?
We all know that Satan was an angel, the highest of all the angels. He leads the worship for our God but he had the desire to be God so he may be the king of heaven. Pinaalis siya sa langit at may ibang mga anghel pa ang sumama sa kanya, kaya’t napagpasyahan ng Diyos na gawin ang tao para papurihan Siya.
Pagkatapos na lalangin ng Diyos ang tao, binigyan Niya ito ng kakayahang magdesisyon para sa sarili niya at pagkatapos ay sinabihan sila na huwag kakainin ang bunga ng puno ng karunungan, ngunit dahil nalinlang ng diyablo si Eba ay kinain nya ang bunga at nagkasala ang tao. Pinalayas ang tao sa halamanan at pagkatapos noo’y ginawa nila ang lahat ng paraan upang makalapit muli sa Diyos ngunit hindi sila nagtagumpay, sapagkat ang kanilang papuri at pagsambang ginagawa ay tila maduming basahan lamang para sa Panginoon.
Dahil labis labis pa din ang pag-ibig ng Diyos para sa mga tao, ipinangako Niya sa mga propeta ang nalalapit na pagdating ng Messias sa mundo, na walang iba kundi si Kristo. Noong panahon nina Abraham, kapag nakagawa ng kasalanan ang isang tao ay kinakailangan niyang mag alay ng hayop para ito ang ipangbayad sa kanyang kasalanan ngunit dahil sa pangako Niya kay Abraham na pagpapalain Niya ang kanyang lahi ay ipinadala Niya ang kanyang bugtong na anak ng sa gayon ay maalis na ang kasalanan na ating minana mula kina Adan at Eba.
Sa pagkamatay ni Jesus ay kasama Niyang namatay ang ating mga kasalanan, at pagkatapos ng tatlong araw ay muli Siyang nabuhay kasama ang ating espirito na namatay noong oras na kinain nina Adan at Eba ang bunga ng puno na nagbibigay ng karunungan.
Tayong mga tao ay nilikha upang papurihan ang Diyos, ito ang sagot sa ating tanong na “Ano nga bang purpose ko dito sa mundo at bakit ako ay nabubuhay?” 🙂
