Sa panahon ngayon, sa palagay ko ay hindi mabubuhay ang tao kung walang internet connection o gadget. Pagkamulat palang ng ating mga mata ay cellphone agad ang ating hahagilapin kahit tayo ay mutain pa. Iche check kaagad kung may nag like ba ng tweet natin kagabi, kung may naglike ba ng bagong palit mong DP o kung inaatake na ba ng kalaban ang base sa Mobile Legends o kung namatay na ba ang character sa Rules of Survival.
Gadgets and Internet have become a big part of our lives that we cannot come to imagine our life living without it. We’ve become dependent on it in communicating with other people. Like dati, ligaw sa bahay with flowers and chocolates pa tapos ngayon hindi lang ligaw tingin, ligaw sa text pa with matching heart emojis. Noon, gagalugarin kahit pinakamalalayong libraries for the sake of good grades in thesis, ngayon online thesis pa lang solve ka na, dagdag references din yun.
Hindi ko sinasabing masamang mag internet, ang problema lang kasi nasabi ko na! Charot! May pa “Sinio” effect pang nalalaman diba haha, napakaraming videos sa youtube na minsan ay may SPG contents pa na naaaccess ng mga kabataan. Isa na riyan ang fliptop na may umaatikabong murahan at duraan ng bars, mga nakakaaliw at nakakapamurang laughtrip na channel ni CongTv at ito pa, taasang kamay ng mga warriors jan oh! awu awu awu! JaMill, tama ba ang spelling? di ako fan eh EHEM! EHEM!
Hindi natin maikakailana napakalaki nang ipinagbago ng ating social life ng dahil sa social media. Pero sa lahat ng connection na meron tayo, pinaka dabest pa din ang connection natin kay God. We do not need the gadgets, we just need the bible to have an access on Him, we do not need wi-fi we just need to pray. We do not have to buy an unlimited load for He has bought us and redeemed us through the blood of Jesus.
Gadgets are important, having internet connection is important, but you know what is the most important thing above all this important worldly thing? It is the presence of God that can only be felt when you have relationship with God, connection by heart with the Holy Spirit and commitment with Jesus Christ. 🙂
