For the person I love the most

His love on a perspective of a sinner </3

At the cross

NANDUN AKO

Nandun ako, para sayo

Sa lahat ng oras ay kasangga mo ako

Nandun ako, pero talaga yatang sarado ang mga mata mo

Bakit hindi mo mkita kita ang halaga ko?

 

Naaalala mo pa ba noong panahong natisod at nadapa ka?

Dumating ako para tulungan kang tumayo sa iyong mga paa

Ngunit ikaw ay tumanggi, ang sabi mo’y “hindi na”

Sabi mo pa nga sakin, kaya mo na ang sarili mo diba?

 

Nasa tabi mo ako sa lungkot at ligaya

Pero pinapansin mo lang ako kapag nahihirapan ka na

Dahil nalilimutan mo ko ‘pag may ibang taong sayo’y nagpapasaya

Ang luha mo’t daing ay para sakin at ang mga ngiti mo’y para sa kanila

 

Naaalala mo pa ba noong naligaw ka?

Ginawa ko ang lahat mahanap lang kita

Inakay kita pabalik sa daan kung saan ka papunta

Nagpasalamat ka lang, tapos iniwan mo na ulit akong mag isa

 

Lagi akong handing tumulong sayo

Ngunit wala akong karapatang pakialaman ang buhay mo

Ikaw ang magdedesisyon, suporta mo ako

Kung anong kahilinagn mo, yun ang susundin ko

 

Kailan mo kaya makikita na mahal kita?

Wala naman akong ibang ginusto kundi ang mapabuti ka

Kung sa tingin mo’y sa kanya ka sasaya, sige puntahan mo sya

Ngunit pag sinaktan ka nya, nandito lang ako yayakapin ulit kita

 

Pares ng bukas na mata ang nais kong ibigay sayo

Para Makita mo nmaan ang kaibahan ng peke at totoo

Tunay na pag ibig ang hanap mo? Nandito naman ako

Kahit isang beses lang sana ako naman ang piliin mo

 

Nasasaktan ako kapag nakikita kong umiiyak ka

Masaya akong makita ang ngiti sayong mga mata

Nandun ako, maligaya kahit ang dahilan ng mga ngiti mo ay hindi ako

Umaasang balang araw ako naman ang magbibigay ng kagalakan sayo

 

Martir bang pakinggan? Pasensya na mahal lang talaga kita

Tatanggapin kita kahit nasaktan mo na ako ng sobra

Nandun ako at naghihintay sayo sa isang sulok

Inaalala ang mga panahong nilikha kita mula sa alabok

 

Published by

Unknown's avatar

Sabrina Pen

I have the life of Jesus Christ in me <3

Leave a comment